Miyerkules, Hulyo 27, 2011

CEn miss lantern ;)


Isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko ay nung na-experience kong sumali ng search ng mr.&miss lantern ng CLSU. Nung una, nahihiya pa ako kasi ang daming tao. Unexpected ang pagkakapili sa akin dahil hindi naman ako prepared that time. Kaya nung sinabi sa akin na ako ang napili, tuwang tuwa talaga ako. Classmate ko din yung napili na sasali ng mr.lantern. Kami ang nag-represent sa College of Engineering last lantern. Priveledge para samin yon dahil sa dinami-dami ng mga estudyante ng aming kolehiyo ang kaming dalawa ang napili. Pinakamasayang part ay yung parade, nagbibigay pa kami ng mga candies sa bawat taong madadaanan namin. It is such a great experiene talaga. Nung gabi na ng pageant, sobrang kaba ang naramdaman ko non. Grabe pa sa bigat ung recycled gown ko. Puro alambre. Hahahaha. Unfortunately, natalo kami ni paulo, but still, happy and proud pa din kami, kahit talo, atleast achievement pa din na matatawag yun. Na nakaya naming tumayo at humarap sa maraming tao at kahit paano ay nai-represent namin ang aming kolehiyo ;)

1 komento: