Biyernes, Hulyo 29, 2011
My CEn Student Council Family ;)
LIDERATO AWARDS '11..Nanalo ang College of Engineering Student Council ng "Most Promising Activity Award"..Sobrang saya naming lahat that time..Pano naman kasi ang hirap ng ginawa namin bago namin nakuha yung award na yon. Nakakakaba kasi ide-defend mo pa kung bakit kayo ang dapat na manalo sa harap ng mga jurors. Grabe. Naiiyak na talaga kami non. But still, natapos padin namin ang pagde-defend. Hanggang umabot sa gabi ng awarding, unexpected na kami ang nanalo dahil ang alam namin ay hindi naging maganda yung pagde-defend namin. God is really good. Ang award na yan ay alay namin sa aming pinakamamahal na KUYA JESUS CATABONA JR. Kahit wala na siya ay nananatili pa din siya sa puso ng bawat isa sa amin..
Sa men's fitting room sa Robinson kuha tong picture na to. Hahaha. Muntik na kaming palabasin niyan. Hehe. Mag-aayos sna kami ng wifi nung araw na yan pero hindi din namin naayos kaya naglibot nlang kami, kumain at nanuod ng movie na "IN THE NAME OF LOVE" na kami lang ni kuya allan grospe ang nag-enjoy. Hahahaha. Aksidente lang ang pagiging secretary ko sa student council ng CEn, nag-muse ako last lantern, naging close sa mga council na nag-aalaga sa akin nung mga oras na yon, until dumating yung aksidente na ikinagulat naming lahat, naaksidente at namatay ang kuya Jesus Catabona namin na kasalukuyang presidente ng council noon. Nagkulang ng member. Since palagi din naman akong nakiki-meeting regarding all the matters na kasali si kuya Jesus, napagkasunduan na ako ang magiging secretary. Nung una ay ayaw ko talaga. Kasi nga TAMAD ako. Pero bandang huli ay nag-enjoy din naman ako. Hindi man ako nag-function as a secretary, pero sinigurado ko naman na nakatulong ako sa kolehiyo at mga ka-council ko. Masaya na mahirap pala ng may katungkulan sa college. Great experience din yon sa akin. Mahal na mahal ko ang CEn Student Council '11..Sobrang miss ko na din sila..
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento