Huwebes, Hulyo 28, 2011

NAPAKALUNGKOT KO NGAYON :'(


Intrams ngayon, umulan kanina, lumungkot ang panahon. Pumunta pa din ako kahit tinatamad ako. Para makapag-attendance at para na rin makita siya bago manlang ako umuwi sana. Nandoon yung nahihiya kung papano ko siya ia-approach. Ang dami naman kasing tao. Nakita kong umuwi na siya. Sinundan ko. At ayon, uuwi na nga lang, bigla nalungkot naman ako. Hindi ko naman maintindihan ang ang mga nangyayari ngayon..Bakit naman ganon..Naguguluhan na ako..Hindi ko naman kasi alam kung paano at saan ulit magsisimula..Hindi naman kasi lahat ng bagay eh ganon lang kadali, minsan, akala mo ayon na, pero bandang huli hindi pa pala..Nagkatampuhan na naman kami..Simpleng bagay lang naman sana yun..Hay! Hindi ko na talaga alam. Papano ka magiging open sa isang tao kung hindi mo naman nga alam kung mag-anu ba kayo? Kung ano kayo sa isa't-isa? Kung ano ka sa kanya? ANG HIRAP LUMUGAR SA ISANG TAONG NILUGAR KA NGA, HINDI MO NAMAN ALAM KUNG SAAN.. Sobrang lungkot ko talaga. SOBRA :'(

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento