Miyerkules, Hulyo 27, 2011

me, myself and i


Isang maingay, makulit, pang-asar, masiyahin, maarte, palakaibigan, may pagkamasungit, pagkamataray, at pagkakikay na dalaga. Mga bagay na masasabi kong AKO. Bunso sa tatlong magkakapatid, nag-iisang anak na babae at nakatira sa lungsod ng Gapan. Isang SPOILED BRATT na hindi pumapayag na hindi makuha ang kanyang gusto. Walang alam sa gawaing bahay, dahil nga sa bunso, hindi masyadong pinapagalitan, daddy's girl kumbaga. Sa pagiging magulo at maingay, marami ang naiinis at nakaka-misinterpret sa ugali, marami ang nagagalit pero wala siyang pakialam as long as wala naman siyang inaapakang tao at wala rin siyang ginagawang masama. Kapag inaway ay mang-aaway din siya. Sa kabila ng kanyang ugali ay marami pa ring gustong maging kaibigan siya, siguro ay dahil na rin sa pagiging masiyahin niya. Hindi niya nga yata alam ang salitang "behave" eh, kasi naman, kahit seryoso na ang usapan ay ginagawa pa din niyang katatawanan. Minsan lang yan maging seryoso, yun ay kapag pamilya na ang pinag-uusapan, mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid na lalaki. Hindi lang dahil sa ibinibigay ng mga ito ang anumang gustuhin nia kundi dahil na rin sa pagmamahal at pag-aalaga na ginagawa nito sakanya. Minsan naisip niya rin na sana naging lalaki na lang din siya, para magawa niya lahat ng gusto niya ng walang nagbabawal sakanya, kasi naman, dahil nga only girl at bunso, ang daming bawal, masyadong pinoprotektahan. Sa bawat desisyon ay kailangan ikonsulta muna sa magulang o sa mga kaptid. Ayun na rin siguro ang isa pang dahilan kung bakit lumaki siyang walang alam sa mga gawaing bahay, lumaki siya ng ibinibigay ang lahat sakanya. Konting lambing kay papa, at ayun, bibigay na. Ang sarap maging bunso kapag ganung aspeto ang pinag-uusapan. Maraming trials na din ang dumating sa buhay niya, but still, strong pa din siya, nandiyan ang heartbreak na natural lang nanapapagdaanan ng mga kabataan sa ngayon, ang pagbagsak sa subject na nagpapasalamat siya na naintindihan siya ng kanyang mga magulang. Isang mapagmahal, maalaga, maalalahanin, sweet at TAMAD na dalaga. DALAGA na daw pero hindi pa din marunong magsaing. PRINCES MARA MACTAL ESTANISLAO po, ang makulit na bulilit :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento