Linggo, Hulyo 31, 2011

MASSAGE PLEASE!

Grabe tong experience ko habang papunta ako ng CLSU, sumakay ako ng bus not knowing na puno na pala. Standing ovation ang drama ko. Dala ko laptop ko, damit at kung anu-anu pa. One and a half hour akong nakatayo habang bumibyahe. Gapan to Cabanatuan. Ngawit na ngawit talaga ako. Masakit balikat at legs ko. Kailangan ko ng massage. Unang beses ko tong na-experience. At buti naman ngayon eh nakaupo na din ako sa wakas. Eto at pa-FB FB nalang. Hahaha. Isang oras pa siguro bago ako makarating ng CLSU. Nakakainip na byahe. Lalo na kuung wala ka namang kakilala na kasabay mo. Buti nalang at dala ko ang laptop ko at hindi ako masyadong naiinip. At isa pa, NAKAKAHILO DIN PALA ANG MAG-FB SA BUS. Hahaha. Nag-eekis paningin ko! Hehe.

2 komento: