Miyerkules, Agosto 3, 2011

byahe...

Umuwi ako kahapon galing ng Clsu dahil birthday ng bestfriend ko, magtatampo ksi yon kapag hindi ako nagpunta kaya kahit may pasok ako at gagabihin panigurado ay nagpunta pa din ako para sumaya naman ang debut niya. Umabot naman ako sa celebration kaya lang umuwi ako kaagad sa bahay namin. Pero atleast, nakapunta pa din ako. Ang layo kaya ng Gapan sa CLSU. Hehe. Worth it naman din ;)

At ngayon, pabalik na nga ako ulit ng CLSU dahil may pasok pa ako at intrams pa bukas, kailangan ang attendance. Byahe na lang ako ng byahe. Mag-isa at walang kausap kundi tong cellphone ko at laptop. As ussual, nag-e-FB na naman ako dito sa bus. Haha. At ayon, hindi na ako nahihilo. Sanayan lang din pala kasi. Haha :D

Sa kasalukuyan ay nasa Sta.Rosa pa lang ako. NAPAKALAYO pa. Haha. Ingat ako ;)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento