Martes, Agosto 16, 2011

strangers --> friends -->. lovers --> strangers

2nd year pa lang ako noon, last year..fourth year siya..I.T kami pareho..makulit siya, pero hindi niya ko pansin nung una..yung mga kabarkada niya, todo pansin sa akin, samantalang siya, walang pakialam..Then one day, the friend request sa FB..In-add niya ko..Nagka-chat kami..Classmate ko pala siya sa isang subject..Nagkataon na may assignment kami noon at kailangang hand written..Nag-PM siya sa akin kung pwede daw ba na gawaan ko siya, syempre ok lang naman sa akin..Tapos kinuha niya yung number ko..Then nagka-text kami.."LOLO" nga ang tawag ko sa kanya non kasi nga 4th year na siya. Haha. Ako naman daw si "INANG"..Naging friends kami kaagad non..Ang bilis ng mga pagkakataon..Month of July 2010 yon..After my birthday which is July 19..

Sa mga panahon na magka-text kami, unti-unti kaming napalapit sa isa't isa..Hanggang sa nagtatanong na siya kung ano daw ba ang gusto ko sa isang lalaki..At ayon nga, sinabi ko kung ano-ano ang mga yon..Na-meet niya naman lahat ng requirements ko. HAHA. August 21 yon. Pati yung sa tingin ko na pinakamahirap which is magpaalam sa ate ko sa dorm na gusto niya kong ligawan. I was shocked ng magpaalam nga siya. Pinagawa pa nga siya noon ng ate ko ng 100 REASONS KUNG BAKIT NIYA KO GUSTONG LIGAWAN. Na-surprise ako nung ginawa niya yon. Dun ko na-realiza na ang dami dami ko pa lang magagandang katangian na nakita niya sa akin na akala ko ay wala ako. Natuwa ako sa kanya.

Lumipas ang mga araw na nanliligaw na nga siya sa akin. Sinusundo sa klase, hinahatid, palage siyang nasa dorm, sinasabayan akong kumain, gumala, nagbibigay palagi ng red rose araw-araw at kung ano-ano pang lakad ko ay sinasamahan niya ko. Naalala ko pa nga na may picture together yong mga kamay nmin na magka-holding hands ;)

August 21-September 20..Ayan lang yong mga araw na nanligaw siya sa akin. At ayon nga, Naging kami. Masaya naman. Dumadating sa time na nag-bbreak kami. At nagkakabalikan din naman. Hndi ko na nga mabilang kung nakailang break kami. Haha. Makulit kasi ako. Pero hanga ako sakanya kasi kayang kaya niya pagka-maldita ko :D

Magulo akong mag-isip. WE ARE IN A "SECRET RELATIONSHIP" ksi nga, ayaw ng mama ko na mag-BF ako. Pero dahil mahal ko siya, sumuway ako. At dumating nga yung time na gusto ko ng maging legal kami. Nagmatapang ako na umamin sa harap ng buong family ko na may boyfriend nga ako. HAHAHA. Nagalit sila sa akin. Pero nagmatigas ako. Hindi ko hiniwalayan ang boyfriend ko. Ang hardheaded ko noh?

MAHAL KO SIYA..MAHAL NA MAHAL..ayan lang ang lagi kong iniisip..Nakasandal ako sa kanya sa lahat ng oras. Basta MAHAL NA MAHAL KO SIYA..

Until dumating yung time na pati napakasimpleng bagay eh pinagtatalunanan na namin. NAPAKABAIT niyang boyfriend. Lahat ginagawa niya para sa akin. Kahit mali na ako ay ako pa din ang tama sa huli at siya pa ang umaako ng kamalian at sorry siya ng sorry. Hindi daw kasi niya kayang magalit sa akin. Mahal na mahal niya ako. Alam ko at nararamdaman ko yon. Ramdam na ramdam ko yon..

Akala ko simpleng away lang na magkakabati din agad. Pero hindi pala. Lumipas ang mga araw na wala na talaga. As in wala na akong maramdaman. Nandoon na siguro yung NAGSAWA na ako sa pa-ulit-ulit na lang na nangyayari. Dahil sa SOBRANG KABAITAN niya ay nawala ako sa kanya. Akala niya kasi, yon ang gusto ko. Mali siya, Gusto ko yong BF na lalambingin ko pag nagtatampo. Yong BF na may authority na bawalan ako. Pero siya? WALA..AS IN WALA..walang reklamo..lahat sinusunod..

Nagkaroon ng pangyayari na may nanligaw sa akin habang BF ko siya..But still, wala pa din siyang reaction..Wala na akong masabi talaga.

Nag-break kami nung bakasyon lang..Dun ko naramdaman na ayaw ko na talaga. The love is gone. I still care but wala na talagang matatawag na LOVE. Ang dating masaya at relasyong puno ng sigla ay nauwi sa hiwalayan at sumbatan. Masakit pero kailangang tanggapin. Kaming dalawa ang may kasalanan. Pero mas malaki yung kasalanan ko at alan ko yon. Nasobrahan siya ng pagmamahal sa akin samantalang ako ay hindi ko na mapunuan yung pagmamahal niya. Feeling ko tuloy kinawawa ko siya.

JUST GO WITH THE FLOW AND STAY HAPPY..yan ang palagi kong sinasabe..Hindi na kami nagpapansinan ngayon. Kahit text wala. Hindi na din kami nagkikita. Minsan, nakaka-miss din. Pero ganon talaga. Hindi lahat parang fairytale..

strangers --> friends --> lovers --> strangers
yan mismo ang nangyari sa binuo naming pagsasamahan..


wala na kasi akong natirang picture namin together maliban diyan! Haha! Ayan at nakatalikod pa kami! Ano ba yan! HAHAHAHA. Holding hands pa kami oh! HAHA. Love niya ksing hawakan ang mga kamay ko. Siya si JAKE U. IGNACIO. haha. baka nakikita niyo siya. EX ko yon! HAHAHA :D


ayun! eto pa pala! nung valentines day to eh! lahat ng madaan namin na nagtitinda ng rose eh binibilihan niya ko! kaya ang dami kong rose! hahaha! :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento