Lunes, Agosto 29, 2011

KULITAN NA NAUWI SA SAMPALAN (WITH LOVE)

Medyo matagal din akong hindi nakabisita dito sa aking blog. Medyo naging busy kasi at examination week last week. At ayun dinugo ang utak ko sa hirap ng mga exams! Ahay! Bawi na lang sa finals! Linya ng mga mababa ang first at second term! Hehe XD

At eto nga, ang dame ko na namang kwento! Sobra! Sa dalawang linggo na hindi ako nakapag-post dito ay napakarami ng nangyari na hindi inaasahan! Haha. May malulungkot pero mas marami ang masasayang pangyayari! =)

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa! Haha! Ayon nga! Sa wakas ay nagkaintindihan na din kami! Haha! Okay na ang lahat. (OK NA NGA BA? HAHA)Tingin ko naman eh ok na. Kailangan nalang ng unawaan sa isa't isa at ibalanse ang mga bagay na kailangang i-priority syempre =)

Masaya ko kasi mahal ko si Joshua Pagador ng BSIT2-3 na nakatira sa Men's Dorm 6-7 ng CLSU na taga Rosales, Pangasinan! HAHAHA XD

Pareho naming hindi inakala ang mga pangyayari. Ang dating wagas kung makapag-suplado sakin? Akalain mooooooo? HAHA! Buhay nga naman!

Ayaw ko na pahabain! Natatamad na ako eh! Pero kasi, nung MARTES (August 23), after ng exam namin ng logic, HAHA. ayaw daw pahabain eh noh? tinatamad daw! HAHA

Sa ISI (UMAAMBON KASI)
AKO: Hala umaambon!
SIYA: Oa nga! May payong ka?
AKO: ai wala eh! ikaw ba?
SIYA: wala din eh! patilain nalang ntin ang ulan. baka kasi mabasa ang laptop mo.
AKO: ah oh cge =)

(Lumipas ang mga oras. 4pm ang tapos ng exam, umaambon pa din..)

AKO: hala hindi na tau nakauwi! nakauwi na lahat!
SIYA: oo nga eh. ayaw naman kasi tumila ng ulan. yung laptop mo.
AKO: oo nga eh. tau nlang at faculty ang nandito.
SIYA: (nakangiti..may binulong skin)Alam mo bang may dala akong payong? =)
AKO: waaaaaah! kaloko mooooo!
SIYA: haha. stranded tau. ayan may isusulat kna nmn sa blog mo! hehe
AKO: oo nga. haha!

ginabi kami talaga. lumipat kami sa harap ng OAd, dun kami tumambay. Naisipan naming maglaro ng walang kamatayang TOPIKS! haha! Favorite na nga naming laruin yon! Ang matalo, hahakbang, at pag hindi na kaya, itatas ang kamay at kikilitiin sa kilikili. AMP talaga kasi lage akong talo! HAHA XD

pauwi na kami, mejo may ambon, pero kailangan ng umuwi ksi 7:30 na non. macucurfew na kami pareho. At ang makulit kong kasama! Kung san sang madidilim na daan gustong dumaan! Natatakot na nga ako eh tinatakot pa ko! Haha! Hanggang makauwi kami ng dorm eh tawa kami ng tawa! Ang saya saya! Basta kasama ko siya =)


WEDNESDAY (AUGUST 24)
Nag-exam kami ng hanggang 12pm sa ISI..napagkasunduan naming dumaan ng college para bumisita sa cesc office. Ayon! Nagkulitan lang naman kami don! Umambon na naman kaya hindi kami nakauwi! (Dahil nga ba sa ambon kaya hindi mkauwi o dahil ayaw lang maghiwalay? hahaha XD). Nakaisip kami ng bagong laro, gumawa siya ng guhit, kapag kanan ang unang tumapak sa guhit, sasampalin niya ko, pag kaliwa nman, ako ang sasampal sa kanya! HAHAHA! ang saya ng laro namin! Minsan napapalakas ang bawat sampal pero iniisip nalang namin na ANG BAWAT SAMPAL AY SAMPAL NG PAGMAMAHAL! hahaha!

Napaka-unique naming dalawa! Para kaming mga sira! Pero ok lang, atleast nagkakasundo sa trip ng bawat isa. Hindi namin namalayan na 6pm na pala! Ilang oras din pala kaming nagsasampalan! Haha! Hinatid niya ko sa dorm, nung una, nung aalis na siya, ang kulit kulit niya kasi pa-balik balik siya! pa-sayaw sayaw pa! HeHe. Nung huli, akala ko, nakauwi na siya talaga, pero nagulat ako nung bumabalik siya! (kinilig naman daw ako! hehe) bumalik siya para sabihing "MAHAL KITA" oh dba? ang sweet! hahaha! ang kulit kulit! gang nagsampalan nalang kami hanggang gumabi na naman! at take note kung saan kami nagsasampalan! SA GILID NG KALSADA SA TAPAT NG DORM 5! Haha! XD

napapatingin na nga yong mga dumadaan samin eh. akala nila nagsasakitan kami! hahaha! basta masaya lang! opposite attracts! siya na tahimik, ako na napakaingay! hehe. siya daw na maputi, ako daw na ahhhhhhhh! nevermind! HAHA =)

KAMING DALAWA ANG TIPO NG TAONG MAHILIG SA SALITANG "STRANDED"..STRANDED KUNWARI! hahaha! XD

LOOOOOOOOOOOOOOOOONG WEEKEND nga ngaun! 5days ko siya hindi nakita! i miss him soooooo much! sa wednesday pa kami magkikita...pero ok lang, atleast para miss ang isa't isa =)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento