Miyerkules, Agosto 10, 2011

SUPER BONDING ^___^

(kaninang umaga sa Prog.)

SIYA: Oh bat hindi ka pa nagpapalit ng I.D?
AKO: mamaya ;)
SIYA: mamaya..mamaya..mamaya..
AKO: buti nga hindi na next week eh..mamaya na..haha :D
SIYA: Hay naku..
AKO: San ba kumukuha ng form?
SIYA: Sa ADMIN nga kami nagpunta non.
AKO: Naku napakalayo naman! >.<
SIYA: Samahan kita ;)
AKO: cge ;)

Dinaanan niya ako sa dorm mga before 3pm na yata yun. Nagpunta kami sa admin, sa cashier to be exact at doon DAW ang una SABE NIYA. Ayon naman pala, kukuha muna ng form sa OAd. Nagpunta kami ng OAd from ADMIN, sa registrar naman pala kukuha ng form. AMP! haha. Kumuha ng form at nag-fill up. Nagpapirma sa librarian, tapos nagpunta ng maingate para magpapirma sa USF. Nagbayad sa cashier at nagpunta ulit sa OAd para magpapirma ulit. Oh diba. Wagas ang paglakad namin. hehe. Pumila para magpa-picture, at ayon naabutan ng cut off. bukas nalang daw. At ang sigurista niya ha! Siya ang nagtago ng form ko para DAW wala na akong reason para hindi matuloy ang pagpapa-I.D ko! Very funny! :D

After non, ihahatid na niya sana ako sa dorm, sa katunayan, nasa bandang gilid na kami ng Alimarson ng maisip kong babalik din pala ko ng ISI para kuhanin ang aking laptop kay RJ.At ayon nga. Dahil may klase naman siya doon, ay sumama ulit ako sa kanya sa ISI. Hahaha. Pagod pero masaya naman! ;)

May klase na siya, (how sad. haha)..Uuwi na sana ako ng bigla namang bumuhos ang napakalakas na ulan. Ayon! Na-stranded ako sa ISI. Dinaan ko nalang sa pagffacebook ang lahat. Uwian na nila, at syempre, sabay ulit kami, eh malakas pa ang ulan, ayun, starnded ulit pero kasama ko na siya ;)

Habang stranded kami ay nagpipilitan pa din kami na pupunta ako ng dorn acquaintace bukas. Sasayaw daw kami. Haha. At syempre para hindi kami magkatampuhan ay bukal naman sa loob ko na pupunta ako bukas. Susunduin daw niya ko para sabay na nga kami. Ksi naman may klase pa ako ng hanggang 7pm at siya naman ay hanggang 7:30pm pa. Pero sabi niya, pupunta daw siya kaya dapat pumunta ako ;)

Npagkasunduan namin na umuwi na dahil tumila naman na ang ulan. Habang naglalakad ay nagpipilitan pa din kami kung aattend ako o hindi. Gusto niya pa na mag-promise ako. At ayon, ang sign ng PROMISE, ang aming hand shake. Ok na! Pupunta na ako ng akwe! Hehe. Konting pilit lang naman pala! Waha! :D

Malapit na kami sa dorm, dumaan kami sa CEN, sa gilid ng Alimarson ay may BAHA, as in BAHA..hahaha. hindi ako makadaan, lulubog ang shoes ko, sabe niya ay pasan nlang daw ako sa kanya, pero syempre nahihiya naman ako. dala na nga niya yung laptop ko tapos bubuhatin niya pa ako? ng bigat ko kaya! Hehe. At ayun na nga, lumakad nalang kami ng magkahawak-kamay sa putikan. Haha. :D

Ang haba ng kwento ko no??!!It's such a super great experience na kasama ko siya. NAKAKATUWA! Haha! Ayon lang naikwento ko lang naman ang SAYA! Wahahaha! ^___^

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento