Huwebes, Agosto 11, 2011

pagod..

Nakakapagod tong araw na to. Grabe. Npaka-stressful! Una, pagkagising ko, kalat na yong allergy ko. Ang kati-kati. Nakakairita. Sinabayan pa ng dysmenorhhea kaya hindi na ako nakapasok ng dalawang subjects. Pumasok ako ng laboratory at medyo ok naman na ang pakiramdam ko. Sumunod ay accounting na naman namin at na-stress ako ulit dahil ang hirap ng lesson! Hahay! :(

Umuwi ako ng dorm, naligo at gumayak dahil dorm acquaintance nga pala. At may pinangakuan ako na pupunta ako. Aaminin ko, na-bore ako sa party na un. Worst party ever!!! Nung una..

Nung nagpatugtog na ng sweet na kanta ay may biglang mga kamay na tumakip sa mga mata ko mula sa likuran. Siya na pala yon. Sayaw daw kami, pumunta kami sa gitna at nagsayaw sa dalawang magkasunod na kanta. Enjoy naman. Pero kasi ang daming tao. Masydong masikip kaya umupo nalang kami. Hanggang sa uwian na, Sabe ko uuwi na ako, hinatid naman niya ko sa dorm, nagkwentuhan muna kami sa labas bago siya umalis. Hinatid ko din naman siya, Ng tanaw nga lang. Haha.

Sumaya lang nung bandang huli na, nung una talagang antok na antok na ako. At ngayon nga, ako ay matutulog na at nangako na naman ako na pupunta ako ng intrams bukas. Maaga pa yon. Kaya good morning and good night na sa ating lahat! Lalabx! ;)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento